Mayweather vs McGregor II kasado na sa 2023

Mayweather vs McGregor II kasado na sa 2023

September 22, 2022 @ 1:57 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nilinaw ni retired US boxing champion Floyd Mayweather na ikinakasa na nila ang pangalawang paghaharap nila ni UFC star Conor McGregor.

Ayon kay Mayweather, magaganap ang kanilang nilulutong laban sa 2023.

Nilinaw din ni Mayweather na ang kanilang pangalawang paghaharap ya isang uri ng exhibition match imbes na actual boxing match.

Kung matatandaan, sa una nilang paghaharap noong 2017,  pinatumba ng 45-anyos na si Mayweather ang dating UFC Irish fighter.

Nanatiling walang talo si Mayweather mula ng magretiro na may 50 wins at lumaban na ng ilang ulit sa mga exhibition fight.

Aminado naman si McGregor na target nitong lumabang muli sa mixed martial arts matapos ang pagkatalo noon kay Dustin Poirier.

Ayon kay UFC President Dana White, target niyang makabalik sa octagon si McGregor hanggang sa katapusan ng taon o sa 2023.JC