McCollum may tama sa baga

McCollum may tama sa baga

December 8, 2021 @ 3:56 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nasuri na may collapsed right lung o pheumothorax si Portland Trail Blazers guard CJ McCollum matapos isailalim sa CT scan.

Ayon sa kanyang team si McCollum ay sasailalim pa sa ibang pagsusuri upang matiyak ang kalagayan ng 30-anyos na NBA cager.

Natamo ni McCollum ang injury nang naging masama ang kanyang bagsak sa sahig sa  fourth quarter na laban ng Blazers at Boston Celtics noong Sabado. Dahil dito hindi siya nakapaglaro noong Lunes laban sa Los Angeles Clippers maging nitong Miyerkules kontra Golden State Warriors.

Naglaro para sa Portland  ng walong seasons sa NBA si McCollum kung saan siya ika-10th overall pick noong 2013 NBA Draft. Sa ika-24 na laro ngayong season, may averaged siya 20.6 points, 4.5 assists at 4.1 rebounds.

Hawak din niya ang career averages na 19 points, 3.3 assists at 3.4 rebounds kada laro, matagal niyang nakasama sa  buong career si Damian Lillard.

Samantala sa mga laro ng NBA game kahapon, nagwagi ang Los Angeles Lakers sa Boston Celtics, 117-102.  Bumanat ng husto ang Lakers sa second half upang makaganti sa kanilang 108-130 pagyuko sa Celtics noong Nobyembre 19 sa TD Garden.

Nakagawa si LeBron James ng 30 puntos habang may 24 si Russell Westbrook.

    Tinalo ng Brooklyn Nets ang Dallas Mavericks, 102-99. Si Kevin Durant ang nagligtas sa  1 minutong nalalabi at mula roon ay hinigpitan na ang depensa.

      Nagtapos si Durant na may 24 puntos at sinundan ni James Harden na may 23 puntos.  Bumanat naman ng pitong tres si RJ Barrett para iangat ang New York Knicks kontra San Antonio Spurs, 121-109.JC