McCoy, na-depress, umaming muntik nang sumuko!

McCoy, na-depress, umaming muntik nang sumuko!

May 10, 2022 @ 2:11 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Binalikan ni McCoy de Leon ang pinagdaanang pagsubok noong 2020 kung saan nakaranas siya ng depression.

“Nu’ng taong 2020 na-diagnose ako ng depression. Nakangiti  ako pero sa loob ko, hindi ko kinakaya ‘yung mga bagay na pinagdadaanan ko.

“Naalala ko rin na naisama ko pa sa isang short film kung ano itsura ko nu’n. Hindi ko makalimutan ‘yun hanggang  sa inumaga ako at hindi nakatulog. Bigla na lang ako yuyuko, naiiyak at malapit  nang  sumuko,” kuwento niya sa isang social post.

Ang naging sandalan daw niya that time ay ang kanyang girlfriend na si Elisse Joson na siyang nakatulong sa kanyang pinagdaanang sakit.

“Siya ang naging gamot ko, sinamahan niya ako magpadoktor. Binilhan niya ako ng pusa na sinasabing makakatulong daw  ito higit  sa lahat, inilapit niya ako sa Diyos. Kaya laking pasasalamat  ko sa taong ito,” say ni McCoy.

Payo ni McCoy sa lahat ng mga dumaranas ng depresyon na, ‘wag susuko. Gerry Ocampo