McCoy, na-excite kay Nadine!

McCoy, na-excite kay Nadine!

July 15, 2022 @ 9:22 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Sa mediacon ng pelikulang Deleter ay inamin niya na na-excite siya kay Nadine Lustre na kasama niya sa movie.

“Sobrang lucky ko na nakasama ko si Ms. Nadine sa movie. Nakaka-excite,” sabi pa niya.

Dati-rati raw kasi ay nakikita lang niya si Nadine sa pictures and TV.

“Nagkasama na kami sa mga performance lang, sa prod numbers. Pero ngayon, hindi ko ini-expect na makakasama ko siya sa movie.

“Tinitingnan ko nga mga pics niya para hndi ako mabigla and I’m looking forward to work with her na,” sabi pa ni McCoy.

Malapit nang magsimula ang shooting ng Deleter directed by Mikhail Red.

Nagawaran na ng award bilang best actress si Nadine sa Gawad Urian sa pelikulang Never Not Love You.

ibinahagi rin ni McCoy de Leon ang sikreto ng maayos na relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Elisse Joson.

“Si Elisse, hndi niya minomonitor ang mga socmeds ko. May kanya-kanya kaming part at napagkasunduan na mga bagay na hindi dapat and dapat. And isa pa, ayaw din niya ‘yun,” sabi pa ni McCoy.

On and off ang naging relasyon nina McCoy at Elisse. Biniyayaan sila ng isang baby girl last year, si baby Felize.

Kasama rin ni McCoy sa pelikulang Deleter si Louise delos Reyes. JP Ignacio