Mcdo crew binaril sa malamig na fries, grabe!

Mcdo crew binaril sa malamig na fries, grabe!

August 4, 2022 @ 1:27 PM 4 days ago


USA – Isang lalaki sa New York ang kinasuhan ng tangkang pagpatay matapos umanong barilin ang isang manggagawa ng McDonald dahil sa paghahain sa kanyang ina ng malamig na french fries, sabi ng pulisya at mga ulat.

Sa pinakahuling kaso ng insidente ng pamamaril sa Big Apple, binaril ng suspek na kinilalang si Michael Morgan, 20, ang 23-taong-gulang na empleyado ng McDonald sa Brooklyn noong Lunes ng gabi, ayon sa pulisya at sa New York Post.

Ang biktima ay nasa kritikal na kondisyon sa ospital.

Nagsimula ang insidente bilang pagtatalo ng isang 40-anyos na babae at ng biktima, na inakusahan niyang nagbigay sa kanya ng cold fries, sabi ng tabloid.

Nakipag-video call ang babae sa kanyang anak na si Morgan, na sumugod sa fast-food chain at nakipagtalo sa empleyado bago lumabas ang dalawa.

Pagkatapos ay binaril ni Morgan ang empleyado, ayon sa isang source ng pulis na binanggit ng Post.

Ilang beses nang inaresto ang akusado dahil sa iba’t ibang krimen, sabi ng tabloid.

Sinampahan din si Morgan ng kasong criminal possession of a loaded firearm, sinabi ng tagapagsalita ng New York Police Department sa AFP.

Ang bilang ng mga biktima ng pamamaril sa New York ay bumaba ng halos siyam na porsyento kumpara noong nakaraang taon, na ngayon ay nasa 988 mula sa 1,051, ayon sa datos ng NYPD. RNT