Mcdonalds UK, ayaw na sa plastic straw

Mcdonalds UK, ayaw na sa plastic straw

June 17, 2018 @ 11:37 AM 4 years ago


UK – Nakatakdang i-ban ng Mcdonalds ang paggamit ng plastic straw sa kanilang UK restaurants simula sa susunod na taon
dahil sa kagustuhan nitong makatulong sa pagbabawas ng plastic waste.

Sa halip na plastic, papel na straws na ang kanilang gagamitin sa lahat ng 1,361 brances ng Mcdonalds sa UK na nagkaroon naman ng positibong reaksyon mula sa mga trials na isinasagawa simula pa noong April.

Ayon kay Environment secretary Michael Gove, ang desisyong ito ng Mcdonalds ay isang “significant contribution” upang makatulong sa kapaligiran.

“We all have a responsibility to our environment and this simple yet effective initiative is a fine example to other large businesses,” sabi niya.

Noong February nag-anunsyo ng Prime Minister ang kagustuhan niyang i-ban ang mga plastic straws pati na ang mga single-use plastic products gaya ngt mga drink stirrer at cooton buds upang makabawas sa polusyon ng mga ilog at karagatan na maaring makaapekto sa mga hayop. (Remate News Team)