McGregor bubugbugin ni Pacquiao; laban kasado na

McGregor bubugbugin ni Pacquiao; laban kasado na

September 27, 2020 @ 9:15 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inaasahang bubugbugin ni boxing champ at senador Manny Pacquiao si mixed martial arts star Conor McGregor sa nakatakda nilang laban sa susunod na taon sa Middle East.

“For the sake of all the Filipino COVID-19 victims, Senator Manny Pacquiao will be fighting UFC superstar Conor McGregor next year,” ani ng special assistant ni Pacquiao na si Jayke Joson.

Malaking bahagi umano ng kikitain ng Pinoy sa laban ay mapupunta sa mga naapektuhan ng pandemic sa bansa, ayon kay Joson.

Kinumpirma naman ni McGregor na tuloy na ang laban at sinabing gagawin ito sa Middle East.

“Anyway all water under the bridge who gives a fook. I’m boxing Manny Pacquiao next in the Middle East,” wika nito sa Twitter.

Sinabi ni Pacquiao na kaya niya tinanggap ang laban kay McGregor ay upang matulungan ang mga apektado ng COVID-19 pandemic.

“But our beloved Senator doesn’t want to talk about boxing since we are in the middle of the pandemic and this is not the right time for it. His main focus right now is to help here and there, providing relief, shelter, money and food, among other necessities,” ayon kay Joson.

Sa isang email,  kinumpirma ni Sean Gibbons, Presidente ng Manny Pacquiao Promotions, na kasado na ang laban sa pagitan nina eight-division world champion at McGregor.

Huling lumaban sa ring si Pacquiao kontra kay Keith Thurman noong 2019 kung saan naagaw ng Pinoy ang WBA welterweight crown.  Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...