McGregor magreretiro na?

McGregor magreretiro na?

July 12, 2021 @ 9:59 AM 1 year ago


LAS VEGAS, Nevada ā€“ Dumilim ang hinaharap para kay dating UFC two-weight champion Conor McGregor matapos ang nakapanghihinang pagkabali ng binti nito sa katatapos na trilogy bout nila ni Dustin Poirier kung saan inaasahang matagal din itong mamahinga at hindi pa siguradong muling makababalik sa mixed martial arts.

Sumikat si McGregor dahil sa bruskong estilo ito at mgaĀ  nagawa nitong knockout sa laban na nagdala rito sa karangalan bilang champion sa two weight classes, pero simula nang madagdag ang lightweight title sa kanyang bewang noong November 2016 ay nahirapan na itong manalo pa.

Nalipat ang focus ni McGregor sa boksing kung saan nakalaban nito si Floyd Mayweather noong August 2017 pero kahit natalo ito kay Floyd ay kumita naman ito ng aabot sa $140 million.

Dahil sa kasikatan lumaki ang ulo ni McGregor at sinubukan nitong humingi ng share sa kumpanya ng UFC at inanunsyo ang regular retirements upang pwersahin si UFC President Dana White na bumigay sa kanyang hiling, pero nabigo ito.

Noong 2018 ay lumaban si McGregor at natalo ito kay Khabib Nurmagomedov sa laban na umabot pa sa rambulan noong October 2018.

Noong January 2020 ay muling nagbalik sa mixed martial si McGregor at tinalo sa welterweight bout si Donald Cerrone at sinabi ng Irish fighter na target niyang lumaban pa pero naunsiyame ang plano dahil sa pandemic.

Kahit nagbalik ang UFC sa kabila ng pandemic, hindi isinalang ni White sa laban si McGregor dahil walang paying audience dahilan para matengga ito at kalawangin, hanggang maikasa ang laban kontra kay Poirier sa ikalawang pagkakataon sa Abu Dhabi kasabay ng pahahanda nito sa boxing match nila ni Manny Pacquiao.

Dahil sa boxing stance nito, naging target ng leg kick ni Poirier si McGregor at na-knockout ito sa 2nd round.

Matapos ang pagkatalo at pagkabali ng binti nito sa trilogy nila ni Poirier, sinabi ni White na daraan sa surgery si McGregor sa Las Vegas hospital at kapag maayos na ang kalusugan nito ay bibigyan niya ito ng panibagong laban.

Pero dahil marami na itong negosyo at pera, inaasahang magreretiro na si McGregor sa pagsagupa sa octagon at boksing. Rico Navarro