McGregor, Poirier pasado sa weigh-in

McGregor, Poirier pasado sa weigh-in

July 10, 2021 @ 9:32 AM 1 year ago


LAS VEGAS – Tuloy na ang trilogy fight sa pagitan nina MMA stars  Dustin Poirier at Conor McGregor sa T-Mobile Arena matapos parehong pumasa ang dalawa sa ginanap na weigh-in para sa kanilang laban.

Parehong pumatak sa 156 pounds ang dalawa sa ginanawang weigh-in sa Apex. Magsasalpukan ang dalawang sa main event ng UFC 264 ngayong Linggo ng umaga (PH time).

May iskor ang dalawang fighter na 1-1, kung saan unang tinalo ni McGregor via first round knockout sa UFC 178 noong 2014 habang bumawi naman si US fighter sa rematch at umiskor ng 2nd round TKO nitong January 2021 sa UFC 257.

Ayon kay UFC president Dana White, ang magwawagi sa laban ng dalawa ay mabibigyan ng pagkakataon na sagupain si lightweight champ Charles Oliveira.
Pasok rin naman sa weigh-in si dating UFC lightweight champion Rafael dos Anjos sa timbang na 156 lbs, na magsisilbing backup sakaling may umatras kina McGregor at Poirier.

Naipanalo ni Poirier (27-6, 1 NC) ang kanyang dalawang sunod na laban simula noong 2016, nang malasap nito ang pagkatalo sa lightweight title fight kontra kay undefeated fighter Khabib Nurmagomedov.

Kasaluyan naman naka-rank si McGregor (22-5) bilang pinakasikat ng fighter sa kasaysayan ng sport.JC