McLisse, kumpirmadong hiwalay na; McCoy, nagpaliwanag!

McLisse, kumpirmadong hiwalay na; McCoy, nagpaliwanag!

January 9, 2023 @ 10:23 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Pagkatapos ng ilang blind items at espekulasyon ng break-up, kinumpirma na rin ng  miyembro ng Hashtag sa It’s Showtime, McCoy de Leon, na hiwalay na sila ng partner na si Elisse Joson.

Nitong mga nakaraang araw, ilang reports ang naglabasan online regarding cheating rumors na humantong sa hiwalayan nila ng partner na nadiskubre din sa Kapamilya noontime program.

Sinagot naman ni McCoy ang isyu with a series of now deleted posts in his Instagram stories last January 4. Ang mga nasabing posts hinted at the reason why he is no longer with the mother of his almost two-year-old daughter Felize.

Sa kanyang unang post, “Sorry po pasensya na po sa inyong lahat.”

His next post addressed the issue of supposed screen shots of his chat log with content creator Mary Joy Santiago, the rumored third party in his relationship with Elisse.

McCoy wrote, “Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit.”

Sa kabila nito, mariing itinanggi ng actor that there really was no third party involved in his breakup with his longtime love team partner. Aniya pa, “Wala po involve na ibang tao sa pinakarason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo.”

McCoy concluded the series of posts with more apologies to his followers and disappointed fans of McLisse after giving up on their almost six-year on-and-off relationship.

Aniya, “Hindi ko po intensyon manakit o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko.”

Nitong nakaraang buwan ng Disyembre, tila nagpahiwatig si McCoy tungkol sa separation rumors pagkatapos nitong ipost ang isang photo sa Instagram kasama ang kanilang anak na si Felize kasama ang isang mensaheng, “Lagi mong tatandaan na mahal kita. IKAW lang ang nakaka alam. IKAW lang ang makakaintindi sa akin. IKAW lang ang maasahan ko. IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay. IKAW lang ang lahat lahat ko. Sana pag tanda mo wag magbago tingin mo kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni Daddy.”

Samantala, pinabulaanan naman  ng sinasabing third party na si Mary Joy ang ilang tsismis that she’s having an affair  with McCoy sa isa nitong reply sa isang netizen. Ador Saluta