Meagan, napatawad na ni Ka Freddie sa isang kondisyon: bawal tumuntong sa bahay!

Meagan, napatawad na ni Ka Freddie sa isang kondisyon: bawal tumuntong sa bahay!

February 22, 2023 @ 7:00 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – A parent is a parent is a parent.

Makakaya ng isang magulang na patawarin ang nagkasala niyang anak, pero may hangganan ang pagpapatawad.

Sa vlog interview ni Aster Amoyo kay Freddie Aguilar, inamin nitong nagkakausap na sila ng kanyang anak na si Maegan.

Ito naman kasi ang masidhing kahilingan ni Maegan nang interbyuhin sa radio program ni Senator Raffy Tulfo.

Kulang na lang ay manikluhod ito sa ama, at sising-sisi sa mga pagkakamaling kanyang ginawa.

Sana raw ay muli siyang matanggap ng ama dahil wala na umano siyang patutunguhan.

Ikinuwento pa ni Maegan na inatake siya ng hyperthyroidism noong November at nagka-cardiac arrest, dahilan para maospital siya.

Sinagot naman daw ni Ka Freddie ang kanyang pagpapaospital.

Itinanggi rin ni Maegan na nalulong siya sa droga.

But being a compassionate father that he is, binuksan na rin ni Ka Freddie ang kanyang communication lines kay Maegan.

Pero paglilinaw niya, bawal pa rin daw tumuntong si Maegan sa kanyang tahanan.

Nais daw kasi ni Freddie na makitang ganap na nagbago na ang anak.

Sa nakikita raw niya kasi’y hindi pa ito reformed taliwas sa sinasabi nito sa ama.

Aniya: “Pag nakita ko mismo na nagbago na siya, ako na ang magsasabing umuwi ka na.”

Sa kasalukuyan, nasa poder ni Freddie ang anak ni Maegan na si Anaya na pinag-aaral niya, isa pang apo sa anak na si Jerico at dalawang anak.

Kumbaga, tanging kay Maegan lang nakasalalay ang pagbabalik niya sa bahay ng ama. Ronnie Carrasco III