Media classifying examination, mas maganda kaysa media regulations – Egco

Media classifying examination, mas maganda kaysa media regulations – Egco

July 27, 2018 @ 9:36 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Pinahayag ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Joel Sy Egco ang kaniyang pagtutol sa media regulation sa isang panayam sa PTFoMS “Seminar on the implementation of the Operational Guidelines of Administrative Order 1.”

“Dati may Magna Carta for journalists, tinurn-down natin. Why? Walang nakasaad kung magkano ang sweldo. Nire-regulate, ayaw ko din yun,” paliwanag pa ni Egco.

“Hindi mo pwedeng sabihin kung sino lang mag-practice, accredit or not accredit. That’s wrong!”

Dahil sa kabiguan ng “regulation” noon upang gawing propesyunal ang media, sinabi ni Egco na imumungkahi niya sa mga media experts at iba pang partner sa industriya ang “classifying examination” upang ma-evaluate ang mga sweldo at benefit package na kaakibat ng experience at skills level ng isang media worker.

Ang ‘evaluation’ ay maaring isagawa dalawang beses sa isang taon upang magkaroon ng sapat na oras para sa training bago kumuhang muli ng test hanggang sa makamit ng isang media worker ng pinakamataas na skill certification.

“Wala namang bagsak sa test eh pero makikita ang skills mo, made-define na natin yung mga benefits at saka classification. That’s professionalizing our ranks.” Sabi pa ni Egco.

Itutulad ni Egco ang paraan na ito sa salary grade ng mga nasa gobyerno kung saan ang skill ay may kaakibat na posisyon na siyang magsasabi kung anong salary grade o kung magkano ang sweldo  ng isang manggagagawa.

“Walang babagsak sa exam, ika-classify ka lang. Ganun lang naman yun, malalaman mo kung saan ka nararapat,” paliwanag pa ni Egco.

Naniniwala rin siya na “all journalists in the Philippines to be of high, world-class standards.”

Binigyang diin din ni Egco na ang trabaho ng media ay hindi isang “8 to 5” na trabaho kundi maituturing na isang trabaho na kapantay ng sa mga doctor at abogado. (Remate News Team)