Media sa Pinas “extremely vibrant” – Malakanyang

Media sa Pinas “extremely vibrant” – Malakanyang

May 4, 2022 @ 4:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – “Extremely vibrant.”

Ganito inilarawan ng Malacañang ang estado ng media sa Pilipinas sa kabila ng pagbaba ng puwesto ng bansa sa 2022 World Press Freedom Index kung saan binanggit ang report ng global press watchdog na Reporters Without Border

Sabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na bagama’t bumaba sa 147th spot sa index ang Pilipinas mula sa ika-138 puwesto noong nakaraang taon ay  hindi naman kasama ang bansa sa index’s red list at listahan ng mga worst countries para sa press freedom.

“Although the Philippines ranked 147th in this year’s index, Reporters Without Borders or RSF has acknowledged that the Philippine media are extremely vibrant,” ayon kay Andanar.

“It should be pointed out that the Philippines is not included in its category in its so-called red list which RSF indicates ‘very bad’ press freedom situations. The Philippines is also not included in RSF’s world 10 worst countries for press freedom,” dagdag na pahayag nito.

Ayon sa RSF, ang situwasyon sa 28 bansa ay classified bilang “very bad,” habang 12 bansa kabilang na ang Belarus at Russia, ay nasa index’s red list.

Samantala, kabilang naman sa world’s 10 worst countries para sa press freedom ay ang Myanmar, China, Turkmenistan, Iran, Eritrea, at North Korea.

Sa country profile ng RSF para sa Pilipinas, nakasaad dito na “Philippine media are extremely vibrant despite the government’s targeted attacks and constant harassment, since 2016, of journalists and media outlets that are too critical.”

Idinagdag pa nito na ang six-year presidency ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay “marked by countless verbal attacks coupled with judicial harassment targeting any media deemed overly critical of the government.”

Sinabi pa rin ng RSF na ang Pilipinas ay isa sa deadliest countries para sa mga journalists, at ang kawalan ng parusa sa media killings ay
“almost total.”

Sinabi ni Andanar na magpapalabas ang Presidential Task Force on Media Security ng mas komprehensibong pahayag ukol sa nasabing usapin. Kris Jose