Media workers welfare act suportado ng DOLE

Media workers welfare act suportado ng DOLE

December 2, 2022 @ 3:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pagsuporta sa mga media partners sa media workers welfare act.

Sa isang press conference, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na partikular aniya ang kanilang suporta sa pagtatag ng news media tripartite council.

Ayon kay Laguesma, naniniwala ang Kagawaran na ito ay magiging mahusay at matatag upang pag-usapan ang pagsanib ng mga stakeholders para sa dayalogo na naglalayong palakasin, isaayos ang pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng media workers.

Sinabi ng kalihim na isa ito sa programa na ginagawa ng labor department bukod sa iba pang mga mahalagang programa ng ginagawa at pinagtutuunan ng pansin ng Kagawaran. Jocelyn Tabangcura-Domenden