MEDIAMAN ‘DI SAPILITANG TESTIGO SA KASONG DROGA

MEDIAMAN ‘DI SAPILITANG TESTIGO SA KASONG DROGA

March 18, 2023 @ 1:01 AM 1 week ago


MAY mga mamamahayag na nakararanas ng pamimilit ng mga pulis o National Bureau of Investigation o Philippine Drug Enforcement Agency na gawin silang testigo sa mga kasong droga.

Kung aktuwal ang mediamen na nasa lugar ng aksyon ng nasabing mga awtoridad sa panghuhuli sa buy-bust, raid sa drug laboratory o iba pa, dito pilit na pinapipirma ang mediamen ng mga awtoridad sa kanilang report bilang saksi sa pangyayari.

At mula rito, magiging testigo na sila sa mga pagdinig sa korte hanggang sa ma-convict o ma-acquit ang akusado sa droga.

Naiintindihan natin, mga brad, ang nais na mangyari ng mga awtoridad na tugunan ang mandatory 3-witness rule sa mga nasabing kasong droga upang hindi tsugiin ng korte ang kanilang pinaghirapan at pinagbubuwisan ng buhay na trabaho at tiyak nilang mapakulong ang mga sangkot sa droga.

Nagsimula ang patakarang 3-witness rule sa mismong batas sa droga na Republic Act No. 9165, Section 1 (1) na nagsasabing, “The apprehending team having initial custody and control of the drugs shall, immediately after seizure and confiscation, physically inventory and photograph the same in the presence of the accused or the person/s from whom such items were confiscated and/or seized, or his/her representative or counsel, a representative from the media and the Department of Justice (DOJ), and any elected public official who shall be required to sign the copies of the inventory and be given a copy thereof;…”

Kaya lang, inamyemdahan na ito ng R.A. No. 10640, Section 21(1) na nagsasabing “The apprehending team having initial custody and control of the dangerous drugs, controlled precursors and essential chemicals, instruments/paraphernalia and/or laboratory equipment shall, immediately after seizure and confiscation, conduct a physical inventory of the seized items and photograph the same in the presence of the accused or the person/s from whom such items were confiscated and/or seized, or his/her representative or counsel, with an elected public official and a representative of the National Prosecution Service or the media who shall be required to sign the copies of the inventory and be given a copy thereof.”

Habang sapilitang testigo ang mediaman sa RA 9165 dahil sa phrase na “representative from the media and the Department of Justice) dahil sa salitang “and”, hindi na sa RA 10640 dahil pinalitan ang “and” ng salitang “or” na klarong nilalaman nitong “representative of the National Prosecution Service or the media”.

Pinirmahan ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo noong Hunyo 27, 2002 ang RA 9165 at published ito ng Official Gazette na nilalaman ang salitang “and” habang pinirmahan ni ex-Pres. Benigno Aquino ang RA 10640 noong Hulyo 15, 2014 at naging epektibo noong Hulyo 23, 2014.

O mga kasamang Noel Talacay, ng Radyo Pilipinas TV 4 at Earlo Bringas, ng Net 25 at iba pa, relaks lang kung talakan kayo ng mga awtoridad sa ‘di pagpirma bilang testigo sa kasong droga.