Medical aid hatid ng BRP Ang Pangulo sa 820 residente ng Dinagat islands

Medical aid hatid ng BRP Ang Pangulo sa 820 residente ng Dinagat islands

January 17, 2022 @ 5:12 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nagbigay ng medikal na serbisyo ang BRP Ang Pangulo (ACS-25), ang presidential yacht na ginawang floating hospital kasunod ng pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre, sa 820 residente ng dalawang barangay sa Dinagat Islands mula Enero 14 hanggang 15.

“After serving Siargao for the past week, the floating hospital returns to Dinagat Islands to continue delivering medical services and humanitarian assistance to the people of the province. This time, the Presidential Ship anchored off the coasts of Barangays Cab-ilan and Gomez in the Municipality of Dinagat. A total of 368 and 452 patients, respectively, were served the past two days,” pahayag ng BRP Ang Pangulo nitong Linggo.

Dagdag na pahayag pa nito, ang 820 bilang ng pasyente na natulungan sa parehong barangay ang pinakamataas simula nang umpisahan ang misyon ng BRP Ang Pangulo noong Disyembre.

“To date, a total of 1,614 residents from Siargao and Dinagat Islands have been attended to by the hospital ship,” anito.

Ang BRP Ang Pangulo ay bahagi ng 27-ship flotilla na itinalaga ng Navy upang tulungan ang mga komunidad na sinalanta ng “Odette”. RNT/SA