Medical assistance ng PNP: P25M kada buwan, popondohan ni PDU30

Medical assistance ng PNP: P25M kada buwan, popondohan ni PDU30

August 8, 2018 @ 9:12 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Makatatanggap ang Philippine National Police (PNP) ng P25 milyong pisong ayudang medical assistance kada buwan mula sa Malakanyang.

Ani Special Assistant to the President Secretary Christopher Lawrence “Bong” Go na inaprubahan kagabi ni Pangulong Duterte ang naturang medical assistance para sa mga pulis na gugugulin sa pambili ng gamot na kakailanganin ng mga kagawad ng Pambansang Pulisya.

Pagtiyak pa ni Go na agad na popondohan ang nasabing buwanang ayuda ng Malakanyang sa PNP kapag ito ay naubos na.

Bukod pa aniya ito sa gagawing pag-a-upgrade ng PNP General Hospital sa loob mismo ng Kampo Crame.

Ani Go, nais ng Pangulo na gawin din ang pagmomodernisa sa nasabing pagamutan para sa pulis gaya ng ginawa nito sa V Luna hospital na nasa ilalim naman ng pangangasiwa ng AFP. Kris Jose