Medical assistance para sa mga mamamahayag

Medical assistance para sa mga mamamahayag

July 20, 2018 @ 8:32 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Nilagdaan ni Secretary Martin Marfori Andanar ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Chinese General Hospital na pinamumunuan naman ng kilalang philantrophist na si Dr. James Dy para sa benepisyo ng lahat ng miyembro ng National Press Club.

Ang seremonya ay isinagawa sa boardroom ng CHGMC sa Manila nitong Hulyo 18, 2018.

Nagbigay naman si NPC president Rolly ‘Lakay’ Gonzalo ng Plaque of Appreciation kay Dr. Dy at sa CGHMC. Nauna na ring ginawaran ng NPC ng award si Sec. Andanar bilang pagkilala sa lahat ng kanyang programa upang maiangat o mabigyang ginhawa ang buhay ng mga mamamahayag sa bansa. (Nats Taboy)