Medical helicopter biyaheng Palawan, nawawala – CAAP

Medical helicopter biyaheng Palawan, nawawala – CAAP

March 2, 2023 @ 7:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Miyerkules, Marso 1 na nawawala ang isang medical helicopter sakay ang lima katao.

Ayon sa CAAP, lumipad ang helicopter 7:30 ng umaga nang kaparehong araw upang magsundo ng pasyente sa Mangsee Island sa Balabac, Palawan.

“The aircraft was on its way to Southern Palawan Provincial Hospital in Brooke’s Point, Palawan when it was reported missing around 9 a.m. today,” pahayag pa ng ahensya.

Ang naturang medical evacuation flight — na may registry no. N45VX at pinatatakbo ng Philippine Adventist Medical Aviation Services — ay inaasahang darating sana 10:30 ng umaga sa nasabing ospital.

Sakay ng naturang helicopter ang piloto nito, isang nurse, pasyente at dalawa pang kasamahan.

Nagpapatuloy na ang search and rescue operations sa nawawalang helicopter.

Ito na ang ikatlong insidente ng nawawalang sasakyang panghimpapawid sa bansa ngayong taon.

Nauna rito ay ang Cessna plane sa Isabela na sinundan naman ng pagkawala ng Cessna plane sa Albay. RNT/JGC