Medical Reserve Corps bubuhayin sa Kamara

Medical Reserve Corps bubuhayin sa Kamara

July 4, 2022 @ 11:57 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isinulong ng tatlong mambabatas ang panukalang lilikha sa Medical Reserve Corps upang siyang upang may agarang sasagupa sakaling muling magkaroon ng mga health emergencies gaya ng coronavirus disease-19 (COVID)-19 pandemic.

Ang House Bill 2 ay inihain nina House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, at Tingog partylist Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre ngunit ito ay nauna ng natalakay ng House Committee on Health noong 18th Congress.

“The Covid-19 pandemic has exposed the inability of the country’s health care system to cope with the surge of patients needing medical care due to lack of medically-trained personnel,” binigyang diin pa sa panukala.

Tinukoy sa HB 2 ang datos mula sa World Health Organization (WHO) na meron lamang anim na medical doctors sa bawat 10,000 Pilipino noong 2017 gayung ang rekomendasyon ng WHO ay hindi dapat bumaba sa 10 doktor sa bawat 10,000 na populasyon.

“Compared to other Southeast Asian countries, Singapore has 23 doctors per 100,000. Vietnam, Thailand and impoverished Timor Leste have each eight doctors per 100,000 people. In developed countries such as Italy and the United States, the doctor-population ratio is 40 and 26 per 10,000 population, respectively.”

Ayon pa rin sa WHO sa ngayon ay kapos ng 290,000 health workers na pinalala pa ng sitwasyong may 13,000 health care professionals ang nanginginabang bansa taun-taon.

“Against this backdrop, this bill aims to enhance the capacity of our country to produce and call on the needed manpower and expand its human health resources in times of disasters and public health emergencies of both national and local scale through the mobilization of a medical reserve force specifically trained to supplement the existing human health resources to ease the burden in our healthcare system,” banggit pa sa panukala.

Pangunahing layunin ng panukalang Medical Reserve Corps ay suportahan ang public health system sa panahon ng pangangailangan at ito ay mapapasailalim sa Health Emergency Management Bureau of the Department of Health (DoH).

Ito ay kinabibilangan ng mga lisensyadong doktor, kabilang ang mga nagsiparetiro na, medical students na nakakumpleto ng unang apat na taon sa medical course, mga nagsipagtapos ng medisina at mga registered nurses.

Ang reserve corps ay maaaring makapagsagawa ng contact-tracing at monitoring sa mga hinihinalang kaso sa panahon ng disease outbreaks, tutulong sa pagtiyak na naipatutupad ang quarantine measures, at magbigay ng logistics at manpower support sa iba’t ibang kalamidad at health emergency operations.

Nakapaloob din sa panukala na maaaring pakilusin ng pangulo ng bansa sa rekomendasyon ng DOH ang reserve corps para tulungan din ang medical corps ng militar “in case of a declaration of a state of war, state of lawless violence or state of calamity.”

Ang mabibigong rumesponde kapag mayroong deployment nang walang makatarungang dahilan ay ipababalik ang lahat ng ginastos ng gobyerno sa mula sa recruitment, training at kompensasyon. Meliza Maluntag