Medical supply nilooban, kawatan timbog

Medical supply nilooban, kawatan timbog

September 17, 2020 @ 1:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines–Patuloy na tinutugis ng Manila Police District ang isa pang kawatan na kasama ng isang 25- anyos na lalaking unang naaresto matapos looban ang isang medical supply sa Tondo, Maynila nitong Setyembre 15.

Tinangay ng dalawang suspek ang kaha de yero na naglalaman ng P1 milyong cash sa niloobang CB & Medical Supply Trading sa kanto ng Abad Santos Ave. at Tayuman St., Tondo.

Isa sa suspek na kinilalang si Rodrigo Aquino Jr., 25, alyas “Jay-Ar”, ng Molave St., Tondo ang agad nasakote ng mga pulis.

Isang alyas “Jerick” na kasama ni Aquino ang patuloy na tinutugis ng mga tauhan ng Manila Police District- Theft and Robbery Section.

Bago ito, nagtungo ang negosyanteng si Ronald Peralta, 35, ng Jala Jala St., Maypajo, Caloocan City matapos niyang madiskubre na nawawala ang vault na naglalaman ng P1 milyon sa establisimiyento.

Agad nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya at nang irebyu ang CCTV sa lugar ay nakita ang dalawang lalaki na bitbit ang kaha de yero ng medical supply.

Unang natunton ang kinaroroonan ni Aquino at siya’y dinakip.

Itinuro ni Aquino si alyas “Jerick” na siyang may hawak ngayon ng vault. Rene Crisostomo


  •  
  •  
  •  

Loading...