Medium of instruction para sa kindergarten ‘gang Grade 3 balak ibalik sa English, Filipino

Medium of instruction para sa kindergarten ‘gang Grade 3 balak ibalik sa English, Filipino

August 23, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinaplano ng Department of Education (DepEd) na ibalik sa English at Filipino ang medium of instruction para sa primary learners.

Sinabi ni DepEd spokesman Michael Poa na pabor si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ibalik ang medium of instruction sa English at Filipino mula sa mother tongue ng mga mag-aaral.

Subalit, sinabi niya na depende pa ito sa pakikipagdiskusyon sa mga eksperto.

“That has been the center of discussions at the moment. The direction is to go back to English and Filipino. But that has to be subject to further discussion with experts,” pahayag niya.

“Yes, that’s the direction to be taken. But, again subject to discussion with experts but definitely that’s the direction that we want to go back to English and Filipino as the medium of instruction,” ani Poa nang tanungin kung pabor si Duterte sa pagbabalik ng medium of instruction sa English at Filipino.

Sa ilalim ng K-12 law, kinakailangang gamitin ang mother tongue bilang medium of instruction mla kindergarten hanggang Grade 3.

Nauna nang inirekomenda ni DepEd Undersecretary Epimaco Densing ang paggamit ng English at Filipino bilang medium of instruction sa mga paaralan simula kindergarten.

Kailangan lamang umanong gamitin ang mother tongue bilang exception. RNT/SA