MedTech licensure exam dinomina ng UST

MedTech licensure exam dinomina ng UST

August 27, 2022 @ 9:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakuha ng University of Sto.Tomas graduates ang una at ikalawang pwesto sa ginanap na 2022 Medical Technology Licensure Examination, ayon sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).

Si Kharam Baricaua Molbog sa unang pwesto matapos makakuha ng 91.90 percent habang nasa pangalawang pwesto naman si Karen Dale Lao Tan na may 91.30 percent.

Bukod kay Molbog at Tan, apat pang UST graduate ang napabilang sa listahan ng top ten.

Mula sa 3,582 examinees, mayroon 1,796 MedTech graduates ang pumasa.

Naging top performing school naman ang University of the Immaculate Conception-Davao na may 88.57 percent passing rate na may 124 ng 140 na matagumpay na kumuha ng pagsusulit.

Ang iba pang nangungunang mga paaralan ay ang De La Salle Medical and Health Science Institute, Trinity University of Asia at University of Baguio. Jocelyn Tabangcura-Domenden