Medyo bastos na review center kakasuhan ng DepEd

Medyo bastos na review center kakasuhan ng DepEd

September 26, 2020 @ 10:46 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na hahabulin at kakasuhan nito ang mga may-ari ng review center na gumamit ng umano’y mga medyo bastos o maruming salita na ipinaloob sa self-learning modules

Mismong si Education Secretary Leonor Briones ang naghayag nito sa harap ng pagtatanong ni Sen. Joel Villanueva ukol sa usapin.

Ayon sa DepEd, pinagmukhang galing ang module mismo sa ahensya subalit ang totoo’y gawa ito mismo ng pribadong review center para sa mga guro sa Zambales.

Paliwanag ni Briones, hindi naman nakaabot sa mga ekwela para magamit ito ng mga estudyante lalo’t wala pa namang bukas na klase ngayon.

May malisya, may intensyong manabotahe at sinadya umano ang ginawa ng review center na ikinasisira ng DepEd kaya naman magsasampa umano ang huli ng kaukulang demanda laban sa una.

Kabilang sa mga salita na ginamit sa module ang “Pining Garcia,” “Abdul Salsalani,” “Malou Wang,” at “Tina Moran” na medyo bastos at nauugnay sa sex at pinalabas ito sa facebook account ng isang Reyson Lee na hinalaw naman ni Sen. Pia Cayetano.

Sabi pa ni Briones, may kalayaan ang mga pribadong eskwela na gumawa ng sarili nilang module at ang module na medyo bastos ay para lang sa mga may edad ngunit hindi rason ito upang hindi aaksyon ang DepEd. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...