Meeting ng SRA sa trader pagkatapos ng SO4, kinuwestiyon ni Zubiri

Meeting ng SRA sa trader pagkatapos ng SO4, kinuwestiyon ni Zubiri

September 21, 2022 @ 7:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinuwestiyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang miyembro ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa pakikipagpulong nito sa ilang sugar traders matapos malagdaan ang kontrobersiyal na Sugar Order No. 4 (SO4).

Ipinalutang ito ni Zubiri sa deliberasyon ng Mataas na Kapulungan sa committee report ng blue ribbon committee hinggil sa imbestigasyon sa sugar importation fiasco.

Pinayagan ng SO4 na may petsang Agosto , 2022 ang pag-aangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal sa bansa ngunit tinabla ito ng Palasyo dahil illegal at hindi awtorisado.

“I didn’t want to bring this up but I have pictures with members of the SRA meeting with traders right after the signing of SO4,” tanong ni Zubiri.

“I have it in my phone. What is that? Why would they meet with them? Is that proper that they’ll meet with importers?”,” giit pa ng lider ng senado.

Dahil dito, kaagad hiniling ni Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa kay Zubiri na ilantad sa plenaryo ang naturang photo upang Makita ng lahat.

“Because you know a picture paints a thousand words so being a former police investigator, I think it’s very material and relevant to the issue at hand if that picture can be presented to the body,” ani Dela Rosa.

Pero, sinabi ni Zubiri na hindi niya puwedeng ilantad sa publiko ang litrato dahil natapos na ang imbestigasyon ng komite sa naturang isyu.

Aniya, nakuha ang litrato habang nagpupulong sila.

“Baka parang hindi proper,” ani Zubiri. Ernie Reyes