Meeting ni PBBM, Macron sumentro sa enerhiya, agrikultura, depensa

Meeting ni PBBM, Macron sumentro sa enerhiya, agrikultura, depensa

November 19, 2022 @ 8:13 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagkaroon ng mahaba at produktibong pagpupulong sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at French counterpart na si Pangulong Emmanuel Macron sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), sinabi ni Marcos na ang usapin ay sumentro sa agrikultura, enerhiya at depensa.

“PBBM said he engaged Macron to talk about energy because France is a leading proponent of nuclear energy and its experience is quite extensive, which the Philippines could rely on if it goes ahead with a partnership on nuclear energy,” anang OPS.

Maliban dito ay wala nang iba pang inilabas na impormasyon sa media.

Isinagawa ang bilateral meeting sa Queen Sirikit National Convention Center nitong Biyernes, Nobyembre 18 kasunod ng pagpupulong naman nina Marcos at ni Saudi Arabia Crown Prince Mohammed bin Salman sa kaparehong venue.

Inaasahan naman na ngayong araw ay makikipagpulong si Marcos sa kanyang counterparts sa Australia at Thailand. RNT/JGC