Meeting place raw: DLSU, itinanggi ang alegasyon ni ‘Bikoy’

Meeting place raw: DLSU, itinanggi ang alegasyon ni ‘Bikoy’

May 23, 2019 @ 6:58 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Hindi kailanman nakikilahok ang Dela Salle University (DLSU) sa anumang subersibong aktibidad tulad ng alegasyon ni Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy.”

Ito ang iginiit ng pamunuan ng DLSU bilang reaksyon sa sinabi ni Advincula sa Camp Crame  sa pinakabago niyang pagbubunyag na isang unibersidad sa mga lugar na umanoy pinasasagawaan nila ng secret meeting ng mga taga-oposisyon kasunod ng kanyang pagbaliktad kaugnay sa  totoong Narcolist video at inakusahan na pakana ito ni Senator Antonio Trillanes at mga kandidato ng Otso Direcho. 

Sinabi ni Donna Patricia Manio, head ng DLSU Media And Public Relations-Office For Strategic Communications, wala umanong nagyaring meeting sa loob ng DLSU campus. 

Binigyan diin ni Manio na hindi pinapayagan  ang anumang uri ng katulad na aktibidad sa loob ng unibersidad dahil labag ito sa isinasaad ng kanilang student handbook at employees manual. 

“It has come to our attention that De La Salle University was mentioned by a certain Peter Joemel “Bikoy” Advincula as one of the meeting venues for alleged destabilization plots against the government.The University would like to clarify that no such meetings took place inside the campus,” ayon kay Manio.

Umapela naman ang unibersidad sa publiko na maghinay-hinay sa pagpapalabas ng anumang akusasyon ng walang matibay na ebidensya at impormasyong hindi naman nabeberipika. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)