Meg Imperial, ipinagtanggol ang pelikulang “Jacqueline Comes Home”

Meg Imperial, ipinagtanggol ang pelikulang “Jacqueline Comes Home”

July 16, 2018 @ 12:53 PM 4 years ago


Ipinagtanggol ni Meg Imperial ang pinagbibidahang pelikula kasama si Donnalyn Bartolome na “Jacqueline Comes Home (The Chiong Story)” laban sa mga taong bumabatikos dito.

Ayon sa 25-year-old na aktres ang pelikula ay umiikot sa kwento ng pamilyang nawalan at naghahanap ng hustisya.

Dagdag pa nito, hindi ito tutukoy sa hustisiya at wala ring pinapanigan ang kanilang obra.

“We’re doing our job, the film is not biased cause in the first place, it’s not even about the justice. It’s about the loss of their daughter,” ani Imperial.

“Again! Guilty man or not ang family, di maaalis ang fact na nawalan sila. Buhay man o hindi ang mga anak nila, na rape pa rin sila,” paliwanag ng aktres.

Sa post ng actress noong July 14, hindi na nito napigilan ang sariling sagutin ang mga bumabatikos sa kanila.

“Ang tao kahit anong paliwanag mo kung meron silang gustong patunayan para bida-bida sila wala ka ng magagawa,”

“Sila rin yung mga tao na di na binabasa o pinakikinggan sinasabi mo dahil iniisip na nila agad paano sila aatake sayo.”

Sina Meg at Donnalyn ang gaganap bilang Jacqueline at Marijoy Chiong na na-kidnap, na-rape at pinaslang noong 1997. (Remate News Team)