‘Mega caravan’ ng Bongbong-Sara tandem umarangkada sa MM

‘Mega caravan’ ng Bongbong-Sara tandem umarangkada sa MM

December 12, 2021 @ 3:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Dinagsa ng mga taga-suporta ang “mega caravan” ng tandem nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio nitong Linggo sa pinakamalalaking highways sa  Metro Manila bago sumapit ang national elections sa Mayo 9, 2022.

Kahit na dumaan ang caravan sa pangunahing mga daan sa  Maynila, kabilang ang EDSA, Quezon Ave. at Roxas Blvd., hindi ito naging sanhi ng pagbigat ng trapiko, hindi kagaya ng nauna nilang parada sa Commonwealth Ave. nitong Miyerkules na naging sanhi ng ilang reklamo ukol sa dulot nitong trapiko.

Ayon pa sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), “minimal impact” lamang sa trapiko ang dulot ng mega caravan.

Nagkumpulan sa malalaking trak, sedan, at motorsiklo ang mga taga-suporta nina Marcos Jr. at Duterte-Carpio, na tinatawag na UniTeam, upang impluwensyahan ang publiko na iboto ang dalawa.

Nakasuot sila ng pulang damit, political color ni Bongbong, habang iwinawagayway ang pulang banner, sa pagdaan ng bumubusinang mga sasakyan.

Ito na ang ika-limang caravan ng tandem sa Mega Manila. RNT/SA