Mega Q Mart sa QC, nasunog

Mega Q Mart sa QC, nasunog

July 17, 2018 @ 10:55 AM 4 years ago


 

Quezon City – Nasunog kaninang madaling araw ang Mega Q Mart sa Quezon City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, Pasado alas-4:44 ng madaling araw nagsimula ang sunog.

Kisame ng mga stalls ng dry goods ang sinasabing pinagmulan ng sunog.

Ilang mga stalls ang nadamay sa sunog gaya ng tindahan ng isang cellphone accessories sa lugar.

Tinatayang aabot sa 500k ang estimate damage sa naturang sunog na umabot sa ika-apat na alarma.

Wala namang nasaktan sa naturang sunog at naidineklarang fire-out dakong alas-6:03 ng umaga. (Remate News Team)