Megan, rumesbak sa dating asawa; Idol Raffy, damay!

Megan, rumesbak sa dating asawa; Idol Raffy, damay!

March 9, 2023 @ 1:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Sa video ni Bashier Sacaguing sa Facebook ay ipinahayag niya ang kalungkutan sa sinapit ni Megan Aguilar.

Si Bashier ay dating asawa ni Megan, isang content creator at Muslim debater.

Ilang buwan lang nagsama bilang mag-asawa sina Megan at Bashier under Muslim rites.

Ikinalungkot ni Bashier ang pinatunguhan ng relasyon ni Megan sa amang si Freddie Aguilar na um-attend pa raw ng kasal nila.

Si Bashier ang nagsilbi raw daan para magkaayos ang mag-ama, sabay puri kay Ka Freddie sa kabaitan nito.

Kaso, obyus na hindi natinag si Megan nang mapanood ang video ng dating asawa.

Ni-repost niya ito, sabay sinagot ang mga pahayag ni Bashier.

Bagama’t burado na ang video ni Megan ay may naka-screen shot nito.

Tinawag niyang makapal ang mukha si Bashier at estapador.

Pinaratangan ni Megan na ninakaw ni Bashier ang halagang aabot sa P250k mula sa mga Koreano.

Hindi naman nilinaw ni Megan ang buong kuwento sa likod ng umano’y pagnanakaw ni Bashier.

Toxic goiter din lang daw ang napala ni Megan sa pakikisama kay Bashier.

Inakusahan din ni Megan na pinakasalan lang daw siya ni Bashier na asang-asa na mananalong senador ang tatay niya, na aniya’y kapareho rin pala niya.

Pero nang matalo si Freddie ay hindi man lang daw inakay ni Bashier.

May isa pang solo video si Megan kung saan ipinagdiinan niyang “This is bipolarism” patungkol sa kanya.

“I am sick and exhausted,” patuloy pa ng obyus na ngarag na si Megan.

Pero pagdidiin niya, “But I’m not an addict…I’m not an addict.”

Kamakailan ay lumabas na ang resulta ng hair follicle test kay Megan, at nagpositibo siya sa drug test.

Nangako kasi si Senator Raffy Tulfo sa programa niyang Wanted sa Radyo na pagkakalooban niya ng libreng pabahay sa loob ng isang taon si Megan plus pinansyal na tulong kung magnenegatibo ito sa drug test.

Kaso’y binawi ni Tulfo ang kanyang mga ipinangako kay Megan, at iminungkahing magpa-rehab ito.

Bumuwelta naman si Megan kay Tulfo at sinabing: “Sa iyo na ang pera mo. I don’t need your help. I don’t need rehab!”

Ang ganap na pagbabago kasi ni Megan ang magiging daan para makabalik na siya sa tahanan ng kaalitang ama. Ronnie Carrascio III