Megaworld township marker sa Bacolod, pinasinayaan ni PBBM

Megaworld township marker sa Bacolod, pinasinayaan ni PBBM

October 24, 2022 @ 7:56 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinasinayaan ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang 34-ektaryang The Upper East township marker ng  property developer na Megaworld  Corp.

Ang marker  ay palatandaan nang pagsisimula ng “large-scale master planned community” para sa The Upper East sa Bacolod City.

Layon nito na makalikha ng mahigit sa 500,000 direct at indirect jobs  sa lalawigan.

“Congratulations sa Bacolod City, congratulations Megaworld for this new development that you have begun and we look forward to more of this, more from Megaworld, more from other groups all around the country,” ayon kay Pangulong Marcos Jr. sa isinagawang  unveiling  ceremony sa  Bacolod-Murcia Marker sa Upper East Park sa Bacolod City.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo si  Megaworld Chief Strategy Officer Kevin Tan para sa patuloy na pagsuporta nito sa bansa.

“We thank Kevin Tan for his continuing faith in the Philippines… Kevin will not invest this much if he does not have confidence that this will succeed. And this can only succeed if the rest of the country is doing well,”  wika ng Pangulo.

“And that is what we are looking forward to and since his predictions… Sa negosyo hindi pa ito nalulugi eh. Kaya ‘pag sinabi siyang “kikita ‘yan” naniniwala akong kikita ‘yan,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, nakatakda namang mag-host ang township  ng isang three-level showroom The Upper East House na dinisenyo kahalintulad ng sa  “white mansion” na dating bahagi ng Bacolod-Murcia Milling Company (BMMC) complex.

Mayroon din itong sariling Landers Superstore, kasama ang  fast food chain McDonald na nagbukas noong nakaraang linggo, nagtatampok sa pinakamalaking alfresco facility ng nasabing kompanya sa Visayas region. Kris Jose