Meghan Trainor, tiwala pa rin kay Demi Lovato

Meghan Trainor, tiwala pa rin kay Demi Lovato

July 27, 2018 @ 6:12 PM 5 years ago


California – Naniniwala ang 24-year-old American singer at songwriter na si Meghan Trainor na kakayanin ng kanyang kaibigan at kapwa singer na si Demi Lovato ang kanyang pinagdaraanan.

Aminado si Meghan na kahit siya ay nakayang tulungan ni Demi sa pagharap sa sariling problema.

“She actually helped me get through my stuff because I was watching her and was like, ‘I know I’m not alone,’” sabi ni Meghan Trainor sa isang panayam.

Si Trainor ay dumaan din sa pansariling problema gaya ng body shaming.

“I wish I could’ve been there more for her or reached out more and checked on her. Because I’ve only, like, I sang at the Grammys with her once. And I do all these awards shows and I get to say hi a little bit. But you just feel like, ‘Ah, I wish I did something.’ I wish I knew,” pahabol pa nito.

Kinumpirma noong Martes ng tagapagsalita ni Lovato na nasa recovery stage pa ang singer matapos itong ma-ospital at ma-overdose. (Remate News Team)