Mekaniko swak sa Comelec checkpoint; 9 MM lumigwak

Mekaniko swak sa Comelec checkpoint; 9 MM lumigwak

January 24, 2022 @ 2:29 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hindi nakaligtas sa mga nakaantabay na pulis sa Parañaque City ang isang mekanikong may dalang baril kaninang madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police, dakong 12:30 madaling araw kanina habang nagsasagawa ng  COMELEC Checkpoint sa Doña Soledad, Barangay Don Bosco ang Don Bosco Police Sub-Station ay nagtangkang magdaan ang suspek na kinilalang si Romnick Sarmiento, residente ng Purok 4, Lower Bicutan, Taguig City sakay ng kulay asul na  Honda Click motorcycle.

Sa halip na huminto, binalewala ni Sarmiento ang mga pulis na nakatao sa COMELEC checkpoint.

Mabilis na hinarangan ng iba pang pulis ang suspek at  makaraan nito ay hiningi ang kanyang driver’s license, at LTO  registration ng kanyang motorsiklo.

Nang buksan ni Sarmiento ang kanyang   sling bag, isa sa mga Pulis ang nakakita sa baril sa loob ng bag, sapat upang agad siyang arestuhin.

Nakuhang ebidensya mula kay Sarmiento ang isang Llama caliber 9mm Parabellum, isang magazine, limang 9mm FMJ live ammunition at 1 motorsiklo

Kasong paglabag sa RA10591 (Qualified Unlawful Possession of Small Firearm) at BP 881 (Omnibus Election Code) ang inihahanda laban sa naarestong suspek na ngayon ay detenido sa Custodial Facility , habang ang mga ebidensya at dinala sa  SPD Forensic Unit para sa ballistics examination. Dave Baluyot