Mekanikong wanted sa kasong multiple attempted homicide, timbog

Mekanikong wanted sa kasong multiple attempted homicide, timbog

May 2, 2022 @ 10:20 AM 2 months ago


SANTIAGO CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang akusadong mekaniko matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Santiago City Field Unit sa kasong multiple attempted homicide sa Purok 5, Rizal dito sa nasabing lungsod.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Arnel Talattad, Team Leader ng CIDG Santiago City kay PCol. Erwin Dayag, Regional Chief ng CIDG Region 2, ang akusado ay si Michael Ramos, 23 anyos na residente sa naturang lugar.

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Genevieve Dalos Ande-Ewangan,  Presiding Judge, MTCC, Second Judicial Region, Branch 1, Santiago City na may criminal case # 1-22-1286 sa kasong multiple attempted homicide na may nirekomendang piyansa na P36,000.

Pansamantalang nasa kustodiya ng nasabing yunit para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco