Melai, pinu-push na magka-baby na sina Kim at Xian!

Melai, pinu-push na magka-baby na sina Kim at Xian!

July 14, 2021 @ 5:17 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Hindi pinalampas ni Kim Chiu ang pagkakataon para hiindi batiin ng happy birthday ang nobyong si Xian Lim nitong July 12.

Bale ba, ipinost ni Kim ang kanyang pagbati sa kanyang Facebook at Instagram account.

“To the person who always puts a smile on my face ever since,” ang simula ng post ni Kim.

Sinundan ito ng pasasalamat kay Xian for supporting her “every step of the way,” at ganoon din ang pangako ni Kim na lagi siyang nakasuporta sa boyfriend.

In a separate item, suportado ni Kim ang ginawang paglipat ni Xian ss GMA. Nakatakda itong lumabas sa isang teleserye roon kasama si Jennylyn Mercado.

Sa bandang huli ng post ay ang kinakiligang pag-a-“i love you” ni Kim sa nobyo.

Ilang artista ang kinilig sa linyang ‘yon, pero bukod-tangi ang kay Melai Cantiveros: “Awww B. Sana magkaroon na kayo ng B Bells!”

Ang “B Bells” ay salitang pabakla na “Babybells” ang ibig sabihin.

Ang gustong mangyari ng kapwa Bisaya na si Melai ay makitang nagdadalantao na si Kim courtesy of Xian sa halip na ikasal muna.

Such values, Melai! Ronnie Carrasco III