Memo ng salary deduction para sa Turkey, peke – Palasyo

Memo ng salary deduction para sa Turkey, peke – Palasyo

February 19, 2023 @ 3:23 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng MalacaƱang nitong Linggo, Pebrero 19 na peke ang kumalat na dokumento na nagsasabing ibinawas ang dalawang araw na sahod ng mga empleyado ng gobyerno para itulong sa mga biktima ng lindol sa Turkey.

Sa kumalat na sulat sa social media, makikita rito ang letter head ng Office of the President at may pirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

ā€œThis is not true,ā€ ani Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil.

Sa pekeng dokumento, sinasabi rin na pinayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ā€œtwo days salary deduction for the month [of] March 2023 from all government employees for President Relief Fund for Turkey and Syria.ā€

ā€œTo extend maximum support to Turkish Government and people to help them cope with the distractions caused by the earthquake, a fund has been established/opened as ā€˜President’s Relief Fund for Turkey Earthquake Victims,ā€ saad pa sa pekeng memo. RNT/JGC