Memo ni ES Vic dahilan ng pagpirma ko sa Sugar Order 4-Sebastian

Memo ni ES Vic dahilan ng pagpirma ko sa Sugar Order 4-Sebastian

August 23, 2022 @ 10:21 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpaliwanag sa Kamara ang nagbitiw na Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na iligal na pumirma sa kontrobersyal na Sugar Order no. 4 na nagpapahintulot ng importasyon ng nasa 300,000 metriko.

Depensa ni Sebastian, isang memorandum mula kay Executive Secretary Vic Rodriguez na inilabas noong Hulyo 15 ay nagtulak sa kanya para lagdaan ito.

“I signed for the Secretary of Agriculture based on the authority given to me in a July 15 memorandum by the Executive Secretary,” ani Sebastian sa ikinasang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, and Agriculture and Food.

“The Secretary is ex-officio chair of the SRA (Sugar Regulatory Administration) and I therefore participated in good faith in the board referenda of SRA. As a member of the SRA board, I signed it,” paliwanag pa ni Sebastian.

Sinabi ng nagbitiw na opisyal na nakasaad sa July 15 memorandum na “that I will sit as ex officio chairman or member of all duly constituted administration, committees, councils, boards, bodies where the Secretary of Agriculture is a member.”

Kinontra naman ito ni Antipolo Representative Romeo Acop at sinabing, “I do not see it as an explicit authority given to you by the President.”

Dagdag pa ni Sebastian na nakasaad din sa nasabing memo na ang kanyang mga aksyon ay ituturing na above the board maliban na lamang kung mismong ang Pangulo ang tatanggi o babawi sa kanyang mga aksyon.

Nakasaad pa sa nasabing memo ang iba pang function ni Sebastian sa kanyang pwesto kabilang na ang “signs contracts, memorandum of agreement, issuance, instruments, administrative and financial documents necessary to carry the department’s objectives, policy, functions, plans, programs and projects for the efficient operation of the Department of Agriculture.”

“There is another provision, Mr. Chair, that at the end, all my actions are considered valid unless reprobated or disapproved by the President,” paliwanag ni Sebastian.

“That is why when the President disapproved of it, I gave my resignation as delicadeza and to spare the President of any issues that may arise because of SO 4,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Sebastian na baka “misread” niya ang feedback na nakuha niya sa mga pagpupulong niya kina Marcos, Rodriguez, at iba pang opisyal ng ahensya ng asukal.

Idinagdag niya na ang pagkaapurahan ng pangangailangan para sa asukal ay nagbigay sa kanya ng impresyon na pinaboran ni Marcos ang SO 4.

“I also expressed to my memo to the President on August 5 that the Sugar Board will meet as soon as possible to decide on that Sugar Order 4,” aniya pa.

“That is why I said might have misread the intention of the President when I pushed through with deciding on the matter based on the authorization given to me last July 15, 2022,” dagdag pa ni Sebastian.

Sinabi ni Ex-Sugar Regulatory Administration administrator Hermenegildo Serafica, na nagbitiw din sa kanyang puwesto matapos ipahayag ng Palasyo na hindi pinahintulutan ni Marcos ang SO 4, ay “mayroon lamang 127,000 metric tons ng asukal na inangkat sa ilalim ng Sugar Order 3.” RNT