Menor-de-edad na suspek sa pagpatay sa Pinoy sa California, arestado

Menor-de-edad na suspek sa pagpatay sa Pinoy sa California, arestado

October 15, 2022 @ 9:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nahuli na ng mga awtoridad ang isa sa apat na kabataang suspek sa pagkamatay ng 69-anyos na Filipino-American sa Highland Park, Los Angeles, California, na humabol sa mga nagnakaw ng beer subalit hinataw ng electric scooter sa ulo.

Batay sa pahayag ng Los Angeles Police Department nitong Huwebes, sinabing isang 13-anyos na Hispanic male ang suspek, na hindi pinangalanan dahil siya ay menor-de-edad.

Base sa pulisya, apat ang suspek na tinangkang nakawan ang tindahan na binabantayan ng biktimang si Steven Reyes.

“It was determined that four suspects, who appeared to be young in age, entered the business and several of them attempted to steal various items,” ayon sa pahayag.

“When a second store clerk attempted to stop the suspects a struggle ensued. The victim attempted to aid that clerk and suspect-1 struck the victim on his head with a scooter,”  dagdag ng mga awtoridad.

Pinaghahanap pa ang isang lalaki at dalawang babae na inilarawan na Hispanic teens. RNT/SA