Menor-de-edad napisak, 12 kritikal sa nahulog na jeep sa bangin

Menor-de-edad napisak, 12 kritikal sa nahulog na jeep sa bangin

July 6, 2021 @ 1:38 PM 1 year ago


KALINGA-Hindi na umahot ng buhay sa pagamutan ang isang menor de edad habang nasa kritikal na kondisyon ang 12 iba pang sugatang sakay ng isang jeep na nahulog sa bangin sa bahagi ng Tanudan–Banaue National Road sa Maraggob, Dupligan, Tanudan, Kalinga.

Kinilala ang biktimang nasawi na Jandy Bulawit Gallamoy, 16 anyos at residente sa nasabing lugar.

Una rito, galing umano ang jeep na sinasakyan ng mga biktima sa Tabuk City at pauwi ng Maraggob, Dupligan ng biglang mawalan ito ng preno habang nasa pataas na bahagi ng kalsada.

Hanggang sa hindi na nakontrol pa ng driver na si Loui Cuminag ang pagdausdos pababa ng sasakyan at diretsong nahulog sa bangin na may pitong metrong lalim.

Sa pagsisiyasat ng kapulusan ay posibleng naging sanhi ng aksidente ay overloading sa loob ng jeep na tumaob matapos mahulog sa nasabing bangin na ikinasawi ng isa habang 12 ang sugatan. REY VELASCO