Menor-de-edad nasagip sa 2 hinihinalang bugaw

Menor-de-edad nasagip sa 2 hinihinalang bugaw

July 22, 2022 @ 1:38 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang 15-anyos na batang babae ang nasagip mula sa kamay ng mga diumano’y hinihinalang bugaw, sa Sitio Loyloy, Brgy. Piut, Carranglan, Nueva Ecija nitong Miyerkules.

Sa ulat ng pulisya, ganap na alas-3:20 ng hapon nang personal na magtungo sa Carranglan police station si Ma. Lourdes Castillo y Aspric, ng Municipal Social Welfare and Development Office o (MSWDO personnel) mula sa bayan ng Carranglan, upang humingi ng tulong na mai-rescue ang isang menor-de-edad mula sa kamay ng mga diumano’y bugaw, sa Sitio Loyloy, Barangay Piut, Carranglan, Nueva Ecija.

Kinilala ng pulisya ang mga arestadong suspek na sina Melanie Marcelo y Tapang, 38, residente ng Poblacion Bustos, Bulacan at Dina Tapang y Lopez, 56, residente ng Sitio Loyloy, Brgy. Piut, Carranglan, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ni-recruit umano ng mga suspek ang walang kamuwang-muwang na biktima upang umano’y maging sex worker.

Kaagad naman na nagkasa ng entrapment operation ang pinagsanib na pwersa nang
Carranglan police station at personnel ng Carranglan MSWDO sa pangunguna naman ni Ms. Michelle P. Julian.

Kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Qualified Human Trafficking ang isinampang kaso laban sa mga suspek.

Habang, inilipat naman ang kustodiya ng biktima sa MSWDO Carranglan, Nueva Ecija. Elsa Navallo