Menor de edad, timbog sa Candon City buy-bust

Menor de edad, timbog sa Candon City buy-bust

January 14, 2022 @ 8:59 AM 7 months ago


ILOCOS SUR-Arestado ang isang menor de edad na lalaki sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Tablac, Candon City ng lalawigang ito kahapon.

Ang suspek ay inaresto ng mga otoridad matapos nitong bentahan ng isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana dried leaves and buds ang poseur buyer.

Tinatayang may timbang na 0.6 gram at may street value na P500 ang narekober ng mga otoridad na hinihinalang marijuana dried leaves and buds mula sa naturang buy-bust operation.

Narekober din ang ginamit na buy-bust money (marked money).

Kinumpiska rin ng mga otoridad ang touchscreen Samsung cellphone ng suspek.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa ng Candon City Police Station (lead unit), Banayoyo MPS, ISPDEU, ISPIU, PDEA RO1, PDEA ISSET at RID PRO1. Rolando S. Gamoso