Menor na nanggulpi at nagnakaw, arestado sa Valenzuela City

Menor na nanggulpi at nagnakaw, arestado sa Valenzuela City

August 2, 2018 @ 12:42 PM 5 years ago


 

Valenzuela City – Arestado ang isang menor de edad na nanggulpi at nagnakaw ng cellphone ng Grade 11 student sa Valenzuela City kagabi.

Dinala ang 15-taong-gulang na suspek sa police station matapos daw lumabag sa curfew.

Ayon kay SPO4 Jose Ricky Colibao, deputy PCP 2 Commander, nagkataon na pagdating sa police station ay nakilala ng biktima ang suspek na siyang nagnakaw sa kanya.

Kwento naman ng 16-taong-gulang na biktima, naglalakad siya galing eskwelahan kahapon ng tanghali nang bigla siyang gulpihin ng tatlong lalaki at kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa.

Namumula pa ang mata at may pasa sa ilong ang biktima nang dumulog sa police station.

Itinanggi ng suspek na nagnakaw siya. Dahil menor de edad ang suspek, itu-turn over ito sa DSWD. Remate News Team