Mensahe ng SONA ni Pangulong Duterte, naipaabot sa mga liblib na lugar

Mensahe ng SONA ni Pangulong Duterte, naipaabot sa mga liblib na lugar

July 24, 2018 @ 1:01 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na naipaabot sa mga liblib na lugar ang mensahe sa ikatlong State of the Nation Address dahil sa proyekto ng Presidential Communications Operations Office na Government Satellite Network.

Sa kanyang ulat sa bayan, pinuri ni Pangulong Duterte ang PCOO dahil sa proyekto nitong GSN na naging daan para sa mas malawak na transmission ng videos, picture at iba pang impormasyon sa mga malalayo at liblib na lugar sa bansa at maging sa buong mundo sa pamamagitan naman ng advanced satellite at IPTV o ang Internet Protocol Television technology.

Inihayag din ng Pangulo na umaasa siyang nasiyahan ang mas maraming nakapanood sa kanya dahil sa mas modernong teknolohiya.

Matatandaang una nang sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na sa pamamagitan ng GSN project na naka-set up sa mga government agencies, maging ang mga barangay officials sa mga malalayong barangay ay hindi lang makakapanood sa mga talumpati ng pangulo at ibang government activities kundi maaari na rin silang makipag-communicate direkta sa Pangulo sa pamamagitan ng naturang proyekto.

Idinagdag pa ni Andanar na ang GSN ay isa pang platform para mas mapalakas ang pagsisikap ng gobyerno na ma-inform ang mga malalayong barangay hinggil sa mga polisiya, plano at progtrama ng pamahalaan. (Kris Jose)