Mensahe ni PBBM sa Eid’l Adha: ‘Break the chains of divisiveness’

Mensahe ni PBBM sa Eid’l Adha: ‘Break the chains of divisiveness’

July 9, 2022 @ 10:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- “Break the chains of divisiveness.”

Ito ang panawagan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng mga Filipino sa kanyang naging mensahe sa Eid’l Adha.

“Let us therefore offer ourselves for the sake of others and take to heart the lessons we learn so that we may be rewarded spiritually and become worthy recipients of Allah’s manifold blessings and protection,” ayon kay Pangulong Marcos at muling iginiit ang kanyang campaign message na ‘pagkakaisa.’

“As we join hands towards achieving our shared goals, I hope that we will transcend our differences, break the chains of divisiveness, and emerge strong as one nation,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, idineklara ni Pangulong Marcos ang araw ng Sabado, Hulyo 9, bilang regular holiday.

Ang Eid al-Adha o Eid ul-Adha ay ang panghuli sa dalawang kapistahang Islamiko na ipinagdiriwang sa buong mundo bawat taon (ang isa naman ay Eid al-Fitr), at itinuturing bilang nakababanal sa dalawa.

Nagpaparangal ito ng pagpapaunlak ni Ibrahim (Abraham) na isakripisyo ang kanyang anak na si Ismael, bilang isang gawain ng pagsunod sa Panginoon.

Ngunit, bago masakripisyo ni Ibrahim ang kanyang anak, naglaan ang Diyos ng koderong pansakripisyo.

Sa paggunita nitong pamamagitan, ritwal na isinasakripisyo ang isang hayop, kadalasan isang tupa.

Kinokonsumo ang isang-katlo ng karne nito ng pamilyang naghandog ng sakripisyo, habang ibinabahagi ang natitirang bahagi sa mga maralita at nangangailangan. Nagbibigayan ang mga tao ng mga matatamis at regalo, at karaniwang binibisitahan at sinasalubungan ang pinapamilyang kamag-anak.

“This day reminds us that, with deep faith and loyalty to our virtues, we can take risks for hefty costs, even if it means losing those whom we love and letting go of many things that matter to us,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi pa niya na sa pagsisimula ng kanyang administrasyon, dapat na maging handa ang bansa  “to go beyond our comfort zones as we walk the path we have willingly chosen.”

“The journey ahead of us will not be easy, but if we fight for what is right and predicate our every action on our love for our fellowmen and women, our people will surely benefit from the results of our individual choices,” aniya pa rin. Kris Jose