Mental Health Act pinaaamyendahan sa Kamara

Mental Health Act pinaaamyendahan sa Kamara

October 18, 2022 @ 1:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng National Mental Health Week, isang panukala ang isinusulong ng isang mambabatas na naglalayong amyendahan ang Mental Health Act para magamit ang compensation benefits para sa mga manggagawa na mangangailangan ng mental health services.

Sa House Bill 2789 ni Quezon City Rep. Patrick Vargas sinabi ito na dapat agad na matanggap ng compensation benefits at iba pang special financial assistance kapag ang isang manggagawa ay nagkaroon ng “temporary or permanent mental disability” habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

“Filipino workers are hardworking and resilient. Every blood, sweat, and tears they pour into a day’s work must be compensated with sufficient safeguards to protect their mental health and well-being.As we seek to increase the budget for mental health services, we must continue to strive to deliver immediate and accessible mental health services for every Filipino,” pahayag ni Vargas.

Binanggit ni Vargas ang report ng Department of Health noong 2021 kung saan tinatayang 3.6 million Filipinos ang nakararanas ng mental health noong kasagsagan ng pandemic, sa nasabing bilang 1.14 million dito ay nakararanas ng depression habang 847,000 ay nakararanas ng alcohol-use disorders at 520,000 ang may bipolar disorders.

Sabi ni Vargas, sa ngayon P7,800 lang ang benefit coverage ng Philhealth para sa hospitalization ng pasyente na na-diagnosed ng mental at behavioral disorders na hindi sapat kaya naman dapat ameyandahan ang batas para agad na matustusan ang pangangailangan ng mga manggagawa na nasa ganitong sitwasyon.

Noong nakaraang taon ay inanunsyo ng Philhealth na nakikipagkoordina na ito sa DOH para maisama ang mental health sa Konsulta package o ang libreng kunsulta para sa mga mahihirap na Filipino. Gail Mendoza