Mental health awareness program inilunsad sa Las Piñas

Mental health awareness program inilunsad sa Las Piñas

February 1, 2023 @ 4:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang kaalaman ng mga residente sa pagbibigay ng pansin sa adolescent issues ng kaisipan at reproductive health na may temang “Kalungkutan ay Agapan, Kabataan ay Protektahan”.

Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar na nilahukan ng mga estudyante mula sa high school at senior high school, out of school youth at ng Sangguniang Kabataan (SK) na naturang programa na umabot sa 400 indibidwal na ginanap sa Verdant Covered court sa Barangay Pamplona 3.

Dinaluhan din nina Vice-Mayor April Aguilar at Alelee Andanar ang kick-off ng mental health awareness project ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Aguilar, ang “Mental Health Awareness” program ay inorganisa ng City Health Office (CHO) sa ilalim ng pangangasiwa ng Dra. Julie Gonzales na ang layunin ay bumuo ng community resilience na tututok sa problema sa pag-iisip ng residente partikular ang mga estudyante at kabataan para maisailalim sa counseling at panggagamot.

Sa panig naman ni Dra. Gonzalez, plano ni Aguilar maglabas ng programa na makatutulong sa mga taong may problema sa pag-iisip dahil sa pandemya na idinulot ng COVID-19 na naranasan sa loob ng tatlong taon hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo.

Sinabi ni Gonzalez na nakibahagi ang Department of Education (DepEd) sa marangal na proyekto ni Aguilar na makatutulong sa mga estudyante na nakaranas ng mental issue mula nang ipatupad ang virtual learning noong panahon ng pandemya.

“Mayor Aguilar is very much supportive to the health of every resident especially among the youth which is part of her health advocacy,” ani Gonzalez.

Samantala, pinuri naman ni Metro Manila Center for Health Development- Department of Health (MMCHD-DOH) Regional Director Aleli Grace Sudiacal ang inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng proyekto na tumatalakay sa mental health awareness.

Dagdag pa ni Gonzales na kahit mahirap makamit ay umaasa pa rin si Aguilar na makapagtala ang lokal na pamahalaan ng zero sa bilang ng mental health issues sa lungsod. James I. Catapusan