Mental Health Law

Mental Health Law

June 26, 2018 @ 6:00 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pirmado na ni Pangulong Rodrigdo Duterte ang Mental Health Law pero karamihan pa rin sa mga kapamil­yang Filipino ang hindi pa gaanong naiintindihan kung ano ang batas na ito at sino-sino ang mga mabebenepisyuhan nito.

Una, ano nga ba ang Mental Health Law na pinirmahan ni Pangulong Duterte?

Ito po ‘yung Republic Act No. 11036 o Philippine Mental Health Law na maraming ibinibigay na benepisyo sa ma­mamayang Filipino.

Kinikilala ng batas na ito na isang batayang karapatan ang maayos na kalusugang pangkaisipan o mental health.

Paano nga ba makakukuha ang benepisyo ng isang mama­mayan na may problema sa pangkaisipang kalusugan?

Ang isang magandang benepisyo rito ay ang pagbababa ng serbisyong medikal o psycho-therapeutic services na maka­tutulong nang malaki sa atin hindi lang sa mahihirap kundi sa mga maykayang pamilya na may saltik sa utak.

Nakasaad kasi sa batas ng Mental Health na ibababa mula sa siyudad o munisipyo sa barangay health center ang pagtugon sa pangangailangan ng mga service user o ‘yun bang mga taong higit na nangangailangan ng batas na ito.

Ipinaglalaban din ng batas na ito ang pagbabawal sa diskriminasyon sa lahat ng mga may kinalaman sa kalusu­gang pangkaisipan.

Ang tanong: sino-sino ba ang mga maituturing na pa­syente ng batas na ito?

Kabilang sa mga pasyente rito ang drug-dependent o nalululong sa ipinagbabawal na gamot, alak o labis na paggamit ng mga gadget o telepono.

Makikinabang din dito ang may problema sa pag-uugali na hindi man lang na-diagnose ngunit nalalaman ang depekto sa testing sa dugo at iba pang pisikal na pagsusuri.

Karamihan kasi na hindi nakikita ang mental health condition kahit nakapag-aaral at nakapagtatrabaho ang isang tao.

Ang kanyang karamdaman o hindi normal na kaisipan ay nagiging hadlang tuloy sa kanyang paggampan ng tungkulin sa lipunan.

Ito ang batas na pinirmahan ni Pangulong Duterte na ang mamamayang Filipino ang siyang lubusang makikinabang sa oras na umiral na ito.

 

EZ-2 NI BOY EDMOND DI MAGIBA

Patuloy ang operasyon ng bookies ng EZ-2 nitong si BOY EDMOND sa buong ka-Maynilaan gaya ng Caloocan, Manila, Parañaque, Las Piñas, Makati, Valenzuela, Quezon City at ilang pang karatig pook gaya ng Rizal at lalawigang ng Cavite.

Halos kumikita ng mahigit sa P2 milyong araw-araw ang EZ-2 ni BOY EDMOND nang hindi man lamang hinuhuli ng kapulisan dahil sa weekly payola na ibinibigay nito sa bawat mga engkargado ng mga hepe ng bawat istasyon ng kapulisan. Magkano kaya?

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected].

 

Juan Sabog