Mental health, wellness ng 3K HCWs suportado ng DOH, WHO

Mental health, wellness ng 3K HCWs suportado ng DOH, WHO

January 19, 2023 @ 5:46 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Health (DOH) kasama ang World Health Organization(WHO) at gobyerno ng Australia ang mental health at well-being initiative upang suportahan ang mahigit 3,000 helathcare workers sa bansa.

Sinabi ng WHO na ang “The Wellness Movement” na base sa praktikal na pag-uugali upang mapabuti ang kapakanan ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan sa kanilang lugar ng trabaho at higit pa
ay inilunsad sa Philippine Childrens Medical Center (PCMC) .

Binanggit ng WHO sa pandaigdigang ulat nito noong Oktubre 2022 na 23 porsyento hanggang 46 porsyento ng healthcare workers ang iniulat na may simtomas ng anxiety.

Habang 20 porsyento hanggang 37 porsyento sa kanila ang nakaranas ng depressive symptoms at 41 porsyento hanggang 50 porysento ang nakaranas ng burnout sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa pamamagitan nito, sinabi ng WHO na ang healthcare workers ay bibigyan ng “low-cost, practical tools”, na idinisenyo upang umangkop sa kanilang mga partikular na pangangailangan at daily routine upang maisagawa ang pangangalaga sa sarili at kagalingan.

Sinabi naman ni Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu, PSM na ang suporta ng gobyerno ng Australia sa mental health at psychosocial services sa bansa sa pamamagitan ng Project BRAVE (Building COVID-safe Responses and Voices for Equity) ay bahagi ng kanilang malaking tulong sa mental health wellness sa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden