“Mentor Me on Wheels” ng Go Negosyo, sinuportahan ni SAP Go

“Mentor Me on Wheels” ng Go Negosyo, sinuportahan ni SAP Go

July 30, 2018 @ 5:20 PM 5 years ago


 

Davao City – Kinilala ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang malaking kontribusyon ng mga entrepreneurs sa ekonomiya ng bansa.

Sa kanyang pagdalo sa Go Negosyo Mentor Me on Wheels (MMOW) ni Go Negosyo founder at  Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion sa Davao City, sinabi ni Go na mahalaga ang papel ng mga negosyante sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi ni Go na layon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na  magbigay ng oportunidad sa mga Pinoy na magsimula at mapalago ang kanilang negosyo at maipakita sa international community na world class ang produktong Pinoy.

Kaya naman, hangad ng MMOW na mailapit ang mentorship sa mga nagsisimula pa lamang na mga Filipino businessmen lalo na sa mga malalayong lugar.

Kaugnay nito, tiniyak ni Go na makakaasa ang sambayanan na mas marami pang “Mentor Me on Wheels”  ang inoorganisa ng Department of Trade and Industry upang maabot nito ang mas  marami pang Filipino entrepreneur sa buong bansa.

Iginiit ni Go na “go na go” si Pangulong Duterte sa lahat ng Filipino MSME’s na malaki ang naiambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Samantala, dumalo din sa event sina Madame Honeylet Avanceña at Presidential Communications Secretary Martin Andanar. (Kris Jose)